Home ENTERTAINMENT Vice, nagpasaring kay Enrile!

Vice, nagpasaring kay Enrile!

431
0

Manila, Philippines- Disimulado lang ang kontra banat ni Vice Ganda sa tinuran ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa September 11 episode ng It’s Showtime.

Nakakita kumbaga ng window of opportunity ang TV host-comedian para idaan sa makahulugang paraan ang kanyang reaksyon sa Mini Miss U segment ng nasabing noontime show.

Nahilingan kasi si Vice Ganda ng isang batang contestant na i-shout out nito ang pangalan ng kanyang lolo na umiidolo sa kanya.

Dito na sinabi ni Vice Ganda na love na love nila ang kanilang audience na mga lolo’t lola.

Sinang-ayunan naman siya ng kanyang co-host sa pagsasabing may mga elderly audience nga raw na gumaganda ang pakiramdam sa kabila ng karamdaman pag pinanonood sila.

Isinali na rin ni Vice Ganda “ang mga lolong hindi siya like”!

Napasabi tuloy siya ng: “I’m so relevant and famous!”

She even singled out Tawag ng Tanghalan na alay nila sa mga matatanda dahil walang ibang gagawin ang mga ito kundi manood at makinig sa mga kalahok habang nasa tumba-tumba sila.

Ilang ulit ipinagdiinan ni Vice Ganda na mahal niya ang mga lolo’t lola.

That was the least she could do to “get back” at Enrile.

Iniulat namin dito sa Remate Online na sa panayam ng Dito sa Bayan ni Juan kay Enrile sa SMNI channel ay tinawag nitong “bastos” at “abusado” si Vice Ganda.

Ito’y reaksyon ni Enrile sa kontrobersyal na “cake icing incident” sa Showtime which prompted the MTRCB to impose a 12-day suspension on the program. Ronnie Carrasco III

Previous articleBuntis tepok sa salpok ng SUV
Next articleClarkson, paborito ang Angkas PH

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here