Home ENTERTAINMENT Vice, niregaluhan ng kotse si Nanay Rosario!

Vice, niregaluhan ng kotse si Nanay Rosario!

Manila, Philippines- Nairaos nang bonggang-bongga ng pamilya ni Vice Ganda ang nakaraang Christmas’ Eve.

Pinagsaluhan nila ang Noche Buena sa kanilang tahanan.

Bukod sa tradisyonal na gift giving, naging highlight ng affair ang mga palaro ni Vice Ganda.

Lahat ‘yon ay dokumentado sa kanyang vlog.

Namigay ng mga pamasko ang TV host-comedian sa kanyang mga kaanak at kasambahay.

Pero ang nagsilbing highlight nito’y ang kunwaring pagyaya ni Vice Ganda sa labas kay Nanay Rosario on the pretext na may bisita raw sila.

Walang kamalay-malay ang showbiz mother nang tumambad sa kanya ang isang brand-new black Subaru.

‘Yun ang Christmas gift ni Meme sa kanyang ina na hindi napigilang maluha habang papalapit sa sasakyan.

Noon pa raw kasi naghahanap ang

TV host ng mababang sasakyan dahil hirap sumampa ang ina sa mataas na vehicle.

Abut-abot naman ang pasasalamat ni Nanay Rosario dahil gone are the days na nakikipag-away daw siya sa kanyang mga anak.

With a car of her own, aniya’y makakagala na raw siya saan man niya gustong pumunta.

“Ako ngayon ang mang-iiwan sa kanila!” pagmamayabang ni Nanay Rosario. Ronnie Carrasco III

Previous articleUge, aminadong tuyot na!
Next articleBarbra, handa na kay Edu!