Home ENTERTAINMENT Vicki, binanatan sa pagpapabili ng Paris cake!

Vicki, binanatan sa pagpapabili ng Paris cake!

Manila, Philippines – Nauna na naming isinulat dito sa Remate Online ang pag-uutos ni Dra. Vicki Belo sa kanyang staff na bumili ng kanyang paboritong cake sa Paris, France.

Ito ‘yung Jean-Paul Hevin cake na kine-crave ng celebrity doctor.

Ito rin ang pinabibili ng asawa niyang si Hayden Kho sa staff bilang panunuyo kay Vicki pag nagkakaroon sila ng tampuhan.

Umani ng samu’t saring reaksyon ang vlog interview na ‘yon mula sa mga netizens.

Hati ang pananaw ng mga ito.

Para sa mga dismayado, isang ostentatious display daw ‘yon ng mga may-kaya sa buhay para ipagyabang sa mga taong wala o mahirap.

Sampal daw ‘yon sa kahirapan ng ibang tao.

Lumalabas lang daw na insensitive o manhid si Vicki sa kalagayan ng ilan nating mga kababayan who are less blessed in life.

Meron din namang naglakas ng loob para idepensa ang cosmetic surgeon.

Leksyon daw ‘yon sa buhay tungkol sa isang taong posibleng makamit ang kanyang pangarap sa buhay kung magsisipag lang siya.

Ano rin daw ba ang pakialam ng ibang tao sa lifestyle o estilo ng pamumuhay ni Vicki kung wala naman siyang ibang taong inaagrabyado?

Sariling pera naman daw niya ‘yon na pinaghirapang kitain sa malinis na paraan.

Higit sa lahat, ang pinakamahalaga’y hindi galing sa pagnanakaw ang mga luhong ipinambibili ni Vicki.

Mismong si Vicki na rin ang naglinaw na ang ginagastos ng kanyang staff sa mga biyahe nito sa ibang bansa ay mula sa mga “travel points.”

Which means na ang tanging nanggagaling lang mula sa bulsa ni Vicki ay ang mga bagay o pagkain na inuutusan niyang bilhin ng kanyang staff.

Vicki’s latest vlog featured her two staff Marife and Millet who have been under her employ for many years.

Buong pagmamalaking inamin ng kanyang dalawang empleyado na gumanda ang kanilang buhay mula nang magtrabaho kay Vicki.

For one, nakapundar na sina Marife at Millet ng sariling sasakyan.

On the side, Marife has also acquired a condo unit for herself.

Si Millet naman ay nakapag-aral ang kanyang anak.

Should Vicki be faulted for sharing her blessings?

Sige nga! Ronnie Carrasco III

Previous article250K deboto nakilahok sa ‘Walk with Mary’ procession sa Cebu City  
Next articlePlebisito sa Hulyo para sa Cha-cha malabo – Comelec