Home ENTERTAINMENT Video ng engagement at kasal nina Vice at Ion, pinabura!

Video ng engagement at kasal nina Vice at Ion, pinabura!

Manila, Philippines – Not for public consumption.

Ito ang gustong mangyari ni Vice Ganda sa video ng kanilang engagement ng asawang si lon Perez.

Naibahagi ng TV host-comedian sa

Everybody, Sing! ang kuwento noong araw na nag-propose ng kasal sa kanya si lon.

Mga engaged couples kasi ang mga naglaro sa episode na ‘yon.

Inamin ng Unkaboggable Star na naunahan siya ng takot ng mga sandaling ‘yon.

Sa halip na ikatuwa raw niya ang ginawang proposal ni lon sa kanya ay nanginginig siya.

Lalo pa siyang natakot nang lumuhod si lon at iabot sa kanya ang engagement ring.

Aware si Vice Ganda na kapag kumalat ang video na ‘yon ay tiyak na katakutakot na backlash lang ang aabutin niya, lalo na si lon.

Hindi nga naman normal ang nangyaring proposal na ‘yon.

Kaya kaagad daw siyang nagbilin sa kanyang mga malalapit na kaibigan na burahin ang nasabing video.

All his friends did just that maliban daw sa isa who even sent her the video noong ikasal sila ni lon sa Las Vegas.

Pero ang nag-iisang kopya raw na ‘yon ay keepsake o souvenir na lang daw ng TV host para sa kanyang sarili.

Wala raw siyang intensyon na kumalat ‘yon at maging viral para makaiwas sa pagbatikos mula sa mga netizen na hindi nauunawaan ang feelings ng mga miyembro ng LGBTQIA community.

Nanghihinayang lang si Vice Ganda na pinairal niya ang takot nu’ng araw na nag-propose si lon sa kanya.

Sana raw ay nagpakatotoo siya sa kanyang nararamdaman tulad ng sinumang normal na tao na inaalok ng kasal ng nagmamahal sa kanya.

Ngayon daw ay wapakels na siya anuman ang sabihin ng tao sa kanya.

More than the public ridicule, ang focus daw ni Vice Ganda ay mas nakatuon kay lon. Ronnie Carrasco III

Previous articleSuspek sa pagtusok sa mata ng dentista, kilala na
Next articleKasinungalingan ng China official, inupakan ni Hontiveros

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here