Home METRO Vietnamese arestado sa Pasay sa panggugulo at hinihinalang shabu

Vietnamese arestado sa Pasay sa panggugulo at hinihinalang shabu

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isang Vietnamese national nitong Miyerkules ng umaga, Enero 17 dahil sa umano’y panggugulo at pagdadala ng hinihinalang illegal na droga sa Pasay City.

Sa report, kinilala ng Southern Police District (SPD) ang lalaki na si alyas “Bin.”

Isinumbong umano sa Pasay City police ang lalaki na nagwawala sa harap ng isang shopping center sa Taft Avenue Extension sa Barangay 79, Zone 10, bandang 3:30 ng madaling araw.

Sa inspeksyon, nadiskubre rin ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.7 gramo at may street value na P4,760.

Hindi pa malinaw kung agad na isinailalim si Bin sa drug test.

Nasa kustodiya na ng Pasay City Police Substation 5 ang Vietnamese, na sasailalim sa inquest proceedings sa city prosecutor’s office.

Nahaharap ang lalaki sa reklamong alar and scandal at paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous articleSuporta sa AFP muling pinagtibay ni PBBM
Next articleApela ni Herbosa sa pagsuspinde sa PhilHealth premium hike, pinag-aaralan na