Home NATIONWIDE Villafuerte sa mga senador: Let Cha-cha take its due course

Villafuerte sa mga senador: Let Cha-cha take its due course

MANILA, Philippines – Umapela sa mga senador si National Unity Party president at Camarines Sur 3rd District Rep. LRay Villafuerte nitong Sabado, Enero 27 na hayaan ang Charter-change “to take its due course.”

Ani Villafuerte, ang mga senador ay tila “misguided” sa kanilang posisyon laban sa people’s initiative para sa Charter change, sabay iginiit na ang pamamaraan ay isang lehitimong constitutional process.

Kamakailan ay inilunsad ang people’s initiative (PI) upang kumalap ng mga pirma na susuporta sa petisyong amyendahan ang 1987 Constitution.

“Their misguided angst over this legit constitutional process has only put amending the Constitution on centerstage – and all the more drawn national awareness to, and support for, the urgency of ridding our fundamental law of its antiquated provisions on economic protectionism at this time of an increasingly borderless world,” saad sa pahayag ni Villafuerte.

Sa kabila nito, suportado niya ang Senate-initiated Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, na nagpapanukala ng pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Aniya, inaasahan nito na maihahatid ng Senado ang planong pagtanggap sa RBH No. 6 “as a way to keep going the constitutional process of amending the Constitution, instead of shoving this measure to the back burner, ostensibly in protest over the House support for the grassroots-initiated and -driven PI process.”

“Constitutional reform via the PI route, as preserved in the 1987 Charter, is a two-step process that empowers our people to directly propose amendments, first through a petition backed by 12% of all our registered voters, with at least 3% of every legislative district represented therein,” ani Villafuerte.

Nanawagan din siya sa mga senador “refrain from short-circuiting the constitutional process of PI by casting aspersions on the currently snowballing clamor for lifting the anachronistic economic provisions of our Constitution that have prevented the Philippines from replicating the impressive levels of investments and jobs long enjoyed by many of our peers in the region.”

Sa hindi inaasahang hakbang, nagkaisa ang lahat ng mga senador na aprubahan ang manifesto na tumututol sa PI sa pagsasabing pahihinain ng prosesong ito ang demokrasya ng bansa. RNT/JGC

Previous article30K personnel na planong kunin ng DepEd na susuporta sa mga guro, ‘di sapat – grupo
Next articleKathryn, lilipat kay Maja, iiwan na ang Star Magic?