Hinamon ng dating lider ng Magdalo at ni San Fernando, Camarines Sur Mayor Fermin Mabulo si Camarines Sur 2nd District Rep.Luis Raymund “ LRay “ Villafuerte sa gubernational face-off upang madultukan na ang 40 taong dinastiya ng mga Villafuerte sa lalawigan.
Ang hamon sa mambabatas ay ikinasa ni Mabulo sa isang press briefing sa Quezon City, aniya,
“Enough is enough “ kung saan handa umano nyang labanan ang mga Villafuerte kaugnay ng gaganaping 2025 mid term elections.
Aniya, dapat bagong brand ng liderato ang ipraprayoridad upang masiguro ang pagunlad ng lalawigan.
Si Rep. Villafuerte ay sinasabing tatakbong gobernador sa Camarines Sur sa midterm elections.
Giit ni Mabulo na malayo pa ang gubernatorial race ngunit makabubuti ang maagang naghahanda lalo na at samut-saring mga pag-atake at paninira na laban sa kanya ang ginagawa ng kampo ng kongresista.
“I am offering myself to my beloved province mates in Camarines Sur. It is time for a new brand of leadership, leadership with heart and skills”ani Mabulo kasabay ng paghalimbawa sa liderato ni dating Department of Interior and Local Government (DILG ) Secretary Jesse Robredo.
Samantala sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Mayor Mabulo na matinding hamon ang kinakaharap ng Camarines Sur.
Ang lalawigan ay nakapagtala ng mataas na insidente ng kahirapan nasa 29.8 % ang kahirapan ang nararanasan ng populasyon.
Sa kasalukuyan si LRay Villafuerte ang kinatawan ng 2nd District Camarines Sur habang ang anak nitong si Vincenzo Renato Luigi Reyes Villafuerte gobernador at ang isa pang anak na si Miguel Luis Villafuerte ay kinatawan naman ng 5th District ng lalawigan. RNT