Home NATIONWIDE Villanueva, COVID free na

Villanueva, COVID free na

267
0

MANILA, Philippines – Tuluyan nang gumaling si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa corona virus 2019 matapos naging positibo sa anti-gen test na isinagawa noong nakaraang linggo sanhi ng masamang pakiramdam.

Sa text message sa Senate report nitong Mayo 26, sinabi ni Villanueva na siya ay “covid free” na.

“Thank you for all your prayers and well wishes. God bless you all,” dagdag niya.

Ikatlong beses nang naging positibo si Villanueva sa Covid-19 simula noong manalasa ang pandemya, at pinakahuli noong nakaraang linggo matapos dumanas ng “fever-like symptoms.’’

Advertisement

“Can’t believe that we got Covid-19 for the third time. I started not feeling well last Thursday (May 18), which, initially, I thought was just because of my knee injury. I took an antigen test today because I started feeling worse with fever-like symptoms, and unfortunately, I tested positive,” aniya noong nakaraang LInggo.

Humalili sa kanya si Deputy Majority Leader Joseph Victor “JV” Ejercito sa nakaraang plenary sessions. Ernie Reyes

Previous articleComelec 100% nang handa sa BSKE 2023
Next articleTurismo, sisipa sa padedeklara sa Isla ng Bohol bilang UNESCO Global Geopark – Binay

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here