Home TOP STORIES Villar, nagbigay ng libreng castration

Villar, nagbigay ng libreng castration

MANILA, Philippines – Sa pangatlong pagkakataon, nagbigay si Senator Cynthia A. Villar ng libreng castration, spraying at anti-rabies vaccines sa mga alagang aso at pusa ng mga residente ng Las Piñas at Bacoor.

Nais ni Villar na ipagpatuloy itong proyekto para makontrol ang pagdami ng stray na aso at pusa at maiwasan ang pagkalat ng rabies, na nanatiling ‘public health problem’ sa bansa, kung saan may 200 – 300 ang namamatay kada taon.

“This situation is not a problem only in Las Pinas and Bacoor. In fact, I have talked to Congressmen, congresswomen and mayors, and this is also a problem in their areas. So I have thought of doing this in Las Pinas and Bacoor so we will no longer add to this problem of our country. This is our solution,” ayon sa senador.

Tinukoy din niya ang Republic Act 9482 o Anti-Rabies Act of 2007 na nagtatakda sa responsibilidad ng pet owners na bigyan ng anti-rabies shots ang kanilang mga aso.

Mahigit sa 150 hayop ang nakinabang sa programang “Libreng Kapon at Ligate Para sa mga Aso ng Las Pinas/Bacoor” na ginanap sa Villar Farm School sa San Nicolas, Bacoor City.

Itinaguyod ito ng Villar Foundation sa pakikipag-partner sa Philippine Veterinary Drug Association (PVDA), Philippine Veterinary Medical Association at Vets Love Nature.

Binigyan din ng anti-rabies vaccines ang mga aso at pusa.

Inihayag din ng pet owners na malaking tulong ito sa kanika sapagkat hinfi na nila kailangang gumastos para sa nga proseso. RNT

Previous articleRussia, PH direct flights isinusulong!
Next article317 nagtapos na trainees sa Navotas binati ni Mayor Tiangco