Virtual live concert ng dos, nakalikom ng P237M COVID-19 donations

Virtual live concert ng dos, nakalikom ng P237M COVID-19 donations

March 23, 2020 @ 10:35 AM 2 weeks ago

  • 2
  •  
  •  
    2
    Shares
Share

Manila, Philippines — Dahil isinagawang virtual fundraising concert ng ABS-CBN na tinawag na “Pantawid ng Pag-Ibig”, nakalikom ito ng kabuuang halaga ng P236,997,391 nitong Linggo.

Higit 100 artista ng network ang nakiisa sa concert na ito. Marso 20 nang isulong ng network ang kampanya upang tumulong sa pamahalaang magbigay ng pagkain at iba pang mahahalagang kailangan sa mga mahihirap na pamilya na walang hanapbuhay nang isailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Layunin nitong makalikom ng pera sa pamamagitan ng pagmo-mobilize sa mga pribadong kumpanya at indibidwal na nais tumulong.

Live na inere ang tatlong oras na concert sa ABS-CBN, ABS-CBN S+A, ANC, MYX, DZMM Teleradyo, maging sa AM radio station DZMM Radyo Patrol 630, FM radio station MOR 101.9, at streaming service na iWant.

Isinailalim ng pamahalaan ang Luzon na enhanced community quarantine upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Nagpatupad na rin ng community quarantine at lockdown ang ilang lokal na pamahalaan sa Visayas at Mindanao upang iwasan ang pagkalat ng virus. Remate News Team/MM

Share

Leave a Reply

Loading...