Home NATIONWIDE Visa application process nirebisa ng BI vs bogus firm scheme

Visa application process nirebisa ng BI vs bogus firm scheme

MANILA, Philippines – “It’s just the tip of the iceberg.”

Ito ang paniniwala ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco hinggil sa mahigit 400 foreign nationals na na-blacklist ng ahensya noong Nobyembre dahil sa petisyon ng mga pekeng kumpanya.

Sinabi ni Tansingco na nakipagpulong siya kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong Lunes para i-update ang Department of Justice (DOJ) sa isinasagawang imbestigasyon.

“During our initial investigation, at least 40 travel agencies and liaison officers are suspected of being involved in the scheme, and we reported to the SOJ a total of 116 employers found to be fake,” ani Tansingco.

Nabatid na noong nakaraang taon ay iniulat ng BI sa DOJ ang pag-blacklist ng 459 na dayuhan matapos lumabas sa audit ng verification and compliance division (VCD) nito na ang nasabing mga dayuhan ay gumagamit ng mga pekeng kumpanya sa kanilang 9(g) visa application.

Ang 9(g) na pre-arranged employment visa ay requisite para sa mga dayuhang mamamayan na nagtatrabaho sa Pilipinas.

“Last November, we recommended to the SOJ the cancellation of the visas of these aliens, as well as the issuance of show case orders against those who involved in the application,” ani Tansingco. “We also recommended the issuance of show cause orders against 4 BI lawyers and the abolition of the Legal Division’s visa task force,” dagdag pa ng opisyal.

Ibinahagi ng BI Chief na isang fact finding group na rin ang naitatag upang mas malaliman ang pag-iimbestiga na nagdadawit sa apat na abogado ng BI.

Noong Disyembre, naglabas ang BI ng advisory na nagsususpindi sa pagtanggap ng mga aplikasyon ng mga kumpanyang may single proprietorship bilang mga petitioner.

Ayon kay Tansingco, ito ay resulta ng kanyang pakikipag-usap sa Secretary of Justice (SOJ), dahil ang mga sole proprietorship companies ay kadalasang ginagamit ng mga nagkakamali na dayuhan. Ibinahagi niya na masigasig sila sa pag-audit ng mga visa na ibinigay sa loob ng huling limang taon.

Sinabi ni Tansingco na naniniwala siya na ang mga inisyal na natuklasan na isinumite ng VCD ay maliit na bahagi lamang ng isang napakalaking problema, at inaasahan nila ang higit pang mga blacklisting kapag natapos na ang imbestigasyon.

“Once we discovered the scheme, we immediately informed the DOJ who approved our recommendations,” ani Tansingco. “As such, we have reorganized the visa-issuance procedures, palit lahat top to bottom, including the procedures in accepting, reviewing, assessing, up until the issuing of the visas. Tingin namin baka abutin ng one thousand or more ang mga foreigners that are petitioned by these fake companies,” dagdag pa ni Tansingco.

Sinabi ni Tansingco na hindi siya magdadalawang isip na irekomenda sa Kalihim ang pagpataw ng administrative disciplinary sanction laban sa mga tauhan ng BI na napatunayang sangkot sa fraudulent scheme.

Sa ilalim ng mga panuntunan sa serbisyo sibil, ang Kalihim ng Katarungan ay ang administratibong awtoridad sa pagdidisiplina ng mga empleyado at tauhan ng BI.

“Anti-corruption measures has always been on top of our priority list following the many issues that the BI has faced in the past,” ani Tansingco.

“Kaya may mga ganito tayo ngayong auditing. These auditing and investigations are resulting in the uncovering of schemes that could have otherwise grown and festered. We are thankful to the SOJ for his continuous support in our initiatives to cleanse our ranks,” giit pa ng opisyal. JAY Reyes

Previous article“Showcase area” ng Pasig River urban development project pinasinayaan sa Maynila
Next articleImpounding areas palalawakin sa mga mahuhuling kolorum PUVs sa Pebrero – LTO