Home HOME BANNER STORY Visa issue ‘di naresolba sa 2-day PH-Kuwait meeting

Visa issue ‘di naresolba sa 2-day PH-Kuwait meeting

306
0

MANILA, Philippines – Wala pa ring resolusyon sa isyu ng suspensyon ng mga bagong entry visa sa mga Filipino, ito ay sa kabila ng dalawang araw na pagpupulong sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Bagama’t hindi pa rin nareresolba, mas nalinawan naman ang bansa sa dahilan sa hakbang ng Kuwait na suspensyon sa entry visa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Mayo 18, ang Kuwaiti government ay may problema pagdating sa mga shelter na pinatatakbo ng Philippine Embassy para sa distressed overseas Filipino workers (OFW) na mga nasasagip mula sa abusadong employer.

Saad ng mga opisyal ng Kuwaiti interior ministry, ang operasyon ng foreign shelters ay nakababangga sa soberanya nila.

Hindi naman iginiit ng Kuwaiti officials na ipasara ang mga ito ngunit sinabing ang Kuwaiti-run shelters na lamang ang gamitin para rito.

Maliban pa, hindi rin tinukoy ng Kuwait kung alin sa probisyon ng 2018 labor agreement sa dalawang bansa ang nilabag ng Pilipinas.

“The overall measures we’re doing to protect our workers, they feel (these efforts) would infringe on their sovereignty. For example, if the Filipinos have a criminal case and they’re being kept in the shelter,” pahayag ni Foreign Undersecretary Eduardo de Vega.

Advertisement

Ipinaliwanag naman ng DFA official na nananatiling sumusunod ang Pilipinas sa pinaiiral nitong mandato para sa proteksyon ng mga Filipino sa ibang bansa.

“[It] is a well-established duty of consular offices under international law and conventions,” dagdag pa ni De Vega.

“For us to violate our own laws mandating Philippine embassies to put up a center for Filipinos, just so that we could convince any foreign country to resume hiring our workers, would be dishonorable. The Filipino people have more dignity than that.”

Ipinaliwanag naman ng delegasyon ng Pilipinas sa Kuwait na ang mga hakbang na ito ng embahada ay para lamang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipino sa nasabing bansa.

Matatandaang pinatatakbo ng pamahalaan ang
Migrant Workers Resource Center o kilala sa tawag na “Bahay Kalinga” sa Kuwait na mayroong 466 distressed OFWs ang tumutuloy sa kasalukuyan. RNT/JGC

Previous articleVP Sara kumalas sa Lakas-CMD
Next articleCPC ng may-ari ng MT Princess Empress binawi ng Marina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here