Visita Iglesia online ba kamo? Halika’t subukan sa gitna ng ECQ

Visita Iglesia online ba kamo? Halika’t subukan sa gitna ng ECQ

April 9, 2020 @ 12:36 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Kasunod ng pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa Luzon hanggang Abril 30, maraming pagtitipon na ang kinansela at kabilang na rito ang pagsasagawa ng anumang aktibidad ng simbahan para sa Kuwaresma.

Bunsod nito, inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang Visita Iglesia online kung saan makikita mo na virtually ang 14 na tampok na simbahan para sa Stations of the Cross.

Makikita ang naturang mga simbahan sa https://cbcpnews.net/visitaiglesia/visita-iglesia-in-360/

Narito naman ang mga sumusunod na simbahang tampok sa Visita Iglesia online ng CBCP:

 

Station 1: San Agustin Church
Matatagpuan ito sa loob ng Intramuros sa Maynila. Kilala rin ito bilang Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Consolacion y Correa o Immaculate Conception Parish.

Ito rin ang pinakamatandang stone church sa bansa. Natapos ang konstruksyon nito noong 1607.

Station 2: St. Joseph the Worker Chapel, Victorias City, Negros Occidental

Tinatawag din ito bilang “Angry Christ Church”. Ito ang kinokonsidera bilang unang “modern sacred architecture in the Philippines”

 

Station 3: San Agustin of Hippo Church, Bacong, Negros Oriental

Isa sa mga mahahalagang papel na ginampanan ng simbahang ito ay ginamit itong watch tower laban sa mga mananakop.

Station 4: St. Augustine Parish Church, Bantay, Ilocos Sur

Tinatawag din itong “Bantay Church”. Nagsilbi itong watch tower para sa mga pirata noong panahon ng mga Kastila.

Station 5: Our Lady of Mt. Carmel Parish (Barasoain Church), Malolos, Bulacan

Kinilala ito bilang “Cradle of Democracy in the East, the most important religious building in the Philippines” dahil dito nagmula ang unang Republika ng Pilipinas.

Station 6: St. Catherine of Alexandria Church, Carcar, Province of Cebu

Hinahangaan ang simbahang ito dahil sa byzantine architecture nito, ang Greco-Roman altar at twin bell tower na makikita rin dito. Inabot ng anim na taon bago matapos ang naturang simbahan.

Station 7: St. Michael the Archangel Church, Jagna, Bohol

Itinatag ito noong Setyembre 29, 1631. Nasunog ito noong 1808 at kalaunan ay sumailalim sa construction. Ayon sa ilan, nawala ang “old” look nito matapos ang ilang taong renovation na kinonsiderang “destructive and careless” ng ilang parishioner.

Station 8: St. Michael the Archangel Parish, Laoang, Northern Samar

Itinatag nito noong ika-17 siglo ng mga Franciscan friars na gumamit ng sapilitang pagtatrabaho o forced labor upang mabu0 ito.

Station 9: San Carlos Borromeo Church, Mahatao, Batanes

Kilala ito bilang Mahatao Church. Ang pista ni Saint Charles Borromeo ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 4. Dahil sa ganda at “excellent state of preservation” nito, napabilang ang simbahan sa National Cultural Treasure ng National Museum of the Philippines noong Hulyo 31, 2001.


Station 10: San Gregorio Magno Parish, Majayjay, Laguna

Kinilala itong National Cultural Treasure (Level 1) ng National Museum.

 

Station 11: San Bartolome Apostol Parish, Nagcarlan, Laguna

Ipinagdiriwang ang kapistahan ni St. Bartholomew kada Agosto 24 ng taon.

 

Station 12: St. James the Apostle Parish, Paete, Laguna

Kilala rin ito bilang The Roman Catholic Church of Saint James the Apostle at ito lamang ang tanging simbahang Katolika sa Paete sa Laguna. Kilala ito sa malalaki at magandang koleksyon ng mga imahe ng Passion of Christ, mga paintings at poon.

 

Station 13: Fort Sta. Isabel Chapel, Taytay, Palawan

Tinatawag din ang Taytay Fort na Fuerza de Santa Isabel at binuo noong 1667 sa ilalim ng Augustinian Recollect Fathers. Ginamit itong military station noong panahong iyon at ipinangalan kay Queen Isabela II ng Spain noong ika-19 siglo.

 

Station 14: Minor Basilica of St. Martin of Tours, Taal, Batangas

Kinokonsidera itong pinakamalaking simbahan sa Pilipinas at Asia. May taas itong 88.6 metres (291 ft) at 48 metres (157 ft). Tuwing ika-11 ng Nobyembre ipinagdiriwang ang pista ng patron saint ng Taal.

Share

Leave a Reply

Loading...