MANILA – May pa-#LibrengSakay para sa visually impaired o may mga may kapansanan sa paningin ang MRT-3 ngayong Agosto 1 hanggang 6.
Ang nasabing #LibrengSakay ay bahagi ng pagdiriwang ng White Cane Safety Day, dagdag pa ng pamunuan ng Mrt-3.
Para ma-avail ang #LibrengSakay ay kinakailangan lamang magpakita ng valid PWD identification card sa security personnel sa mga istasyon upang aprubahan ng libreng sakay.
Dagdag pa ng MRT-3 na malilibre rin ang isang companion o kasama ng visually impared na pasahero. RNT