Home METRO Vlogger iniimbestigahan sa illegal recruitment

Vlogger iniimbestigahan sa illegal recruitment

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Bureau of Immigration nitong Biyernes, Nobyembre 3 na kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang isang vlogger na sangkot umano sa illegal recruitment.

Ayon sa BI, ini-refer ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dalawang babaeng biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang tumulong sa imbestigasyon at makapaghain ng nararapat na mga kaso sa suspek.

Nitong Huwebes kasi ay naharang ng BI ang mga biktima na nagtangkang lumipad patungong Singapore at didiretso ng Sri Lanka.

Nirecruit umano ng babaeng suspek sa Sri Lanka ang mga biktima, at siningil ang mga ito ng tig-P50,000 para sa recruitment package.

Ipinangako umano ng recruiter sa mga ito na makakakuha ng trabaho bilang household services workers o call center agents.

Sa ulat, isang Facebook vlogger umano ang kumontak sa isa sa mga biktima at ini-refer ito sa receuiter matapos na mag-comment ang biktima sa vlog nito.

Sinabi ng BI na kapwa nito iniimbestigahan ang recruiter at vlogger. RNT/JGC

Previous articleLabi ng Pinay na namatay sa Israel-Hamas war dumating na sa bansa
Next articleMikee, umaming nainlab kay Alden!