Home METRO ‘Vog’ naobserbahan sa Bulkang Taal

‘Vog’ naobserbahan sa Bulkang Taal

450
0

MANILA, Philippines- Nagbuga ang Taal Volcano ng 3,000 metrong usok sa Taal lake nitong Biyernes, ayon sa Phivolcs.

Mula alas-10 ng umaga, naobserbahan ang volcanic smog o vog mula sa bulkan, anang state agency sa abiso.

Nagbuga rin ang Bulkang Taal ng kabuuang 3,264 tonnes/day ng volcanic sulfur dioxide o SO2 gas emissions mula sa Taal main crater sa parehong araw, ayon sa Phivolcs. 

Nakaaapekto ang vog sa Taal region mula unang linggo ng Setyembre, sabi ng ahensya.

Inabisuhan ang mga residente na manatili sa loob ng bahay at saraduhan ang pinto at mga bintan. Inirerekomenda rin sa publiko ang pagsusuot ng N95 face masks at pag-inom ng maraming tubig upang maiwasan ang iritasyon.

“If belonging to the particularly sensitive group of people above, watch over yourself and seek help from a doctor or the barangay health unit if needed, especially If serious effects are experienced,” pahayag ng Phivolcs.

Kasalukuyang nakasailalim ang Taal Volcano sa Alert Level 1, nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito, paalala ng Phivolcs sa publiko. RNT/SA

Previous articlePinas may 182 dagdag-kaso ng COVID-19
Next article6 akusado sa missing sabungeros case timbog sa P’que

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here