Home HOME BANNER STORY ‘Voluntary repatriation’ ng mga Pinoy sa Lebanon iminungkahi ng embahada

‘Voluntary repatriation’ ng mga Pinoy sa Lebanon iminungkahi ng embahada

MANILA, Philippines- Inirekomenda ng Philippine Embassy sa Beirut ang “voluntary repatriation” para sa mga Filipino na nakatira sa Lebanon bunsod na rin ng tumataas na border tensions sa pagitan ng Israel at Hezbollah. 

Nagpapatuloy pa rin kasi ang labanan ng Israel at Hamas. 

Kaugnay nito, pinayuhan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega ang 17,500 Filipino doon ”to get ready and consider repatriation.”

Sa ngayon, hindi pa opisyal na inaanunsyo ng DFA ang pagtaas sa Alert Level 3 o voluntary repatriation phase sa nasabing bansa. 

“We are just awaiting formal written designation but our embassy in Beirut (is) acting on (the) presumption that it is now Level 3,” ayon kay de Vega. 

Sa katimugang bahagi ng Lebanon, hangganan ng Israel, sinabi ni De Vega na may 67 Filipino ang nagsimula nang lumikas. 

“Pero sa buong Lebanon, nire-recommend ng ating embahada na magkaroon ng parang voluntary repatriation na iaalok namin sa mga Pilipino na kung puwede umuwi na kayo,” ayon pa rin kay De Vega sa panayam ng Radyo Pilipinas.

“Kung sino man ang uuwi tutulungan namin i-repatriate,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose

Previous articleGarcia bibisita sa Abra
Next articleIsrael-Hamas war pinatutuldukan ng ASEAN