Home HOME BANNER STORY Vote counting machine contract igagawad ng Comelec sa Miru Systems

Vote counting machine contract igagawad ng Comelec sa Miru Systems

MANILA, Philippines- Nagdesisyon ang Commission on Elections na igawad ang kontrata para sa vote counting machines para sa 2025 national and local polls sa lone bidder South Korean firm Miru Systems.

Sinabi ni poll chairman George Garcia nitong Huwebes na nagdesisyon ang Comelec en banc na isagawa ang rekomendasyon ng Special Bids and Awards Committee at ang findings ng technical working group.

“Kahapon nang hapon after ng napakahabang deliberasyon ng Commission en banc at matapos rin naming makita, nakapag demo sa amin ang Miru System, ‘yung kanilang makina, base sa kanilang pinapakita sa atin at saka sa terms of reference ay nag desisyon ang Commission en banc, unanimous po kami, in-adopt namin ang recommendation ng aming Special Bids and Awards Committee at ‘yung findings ng TWG amin din pong in-adopt at sinasabi na dapat maibigay ang award sa Miru Systems at kanyang joint venture na kumpanya,” wika ng opisyal.

Aniya pa, ipaaarkila ng Miru sa Comelec ang halos 110,000 machines at peripherals kabilang ang ballot boxes, laptops, at iba pang printing requirements para sa 2025 elections. RNT/SA

Previous articleSarah at Mommy Divine, bati na?
Next articleMaritime Zones Act pasado sa 2nd Reading ng Senado