MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa overseas voters sa Israel para sa 2025 midterm elections.
Sa isang panayam, sinabi ni Comelec chairperson George Garcia na ginawa ang desisyon sa pagpupulong ng en banc.
Ayon kay Garcia, sinuspinde nila ang voter registration dahil ayaw nilang isakripisyo ang buhay ng mga kababayan doon.
Aniya, indefinite ang suspension at hindi pa pinag-iisipan kung palalawigin dahil ang mahalaga ay protektado at nasa maayos na kalagayan ang mga OFW sa Israel.
Tatagal ng dalawang taon ang voter registration para sa overseas voters para sa 2025 elections na nagsimula pa noong Disyembre 2022.
Ayon sa Comelec, mayroong 13,364 registered overseas voters sa Israel sa 2022 national and local elections kung saan 7,871 o 59% ang aktwal na bumoto.
Noong Hulyo 17, 2023, mayroong 9,906 active overseas Filipino registrered voters sa Israel. Jocelyn Tabangcura-Domenden