MANILA, Philippines- Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill No 7922 o Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education(UniFAST) na naglalayong magtatag ng voucher program para sa mga kuwalipikadong mahihirap na estudyante na nagnanais mag-aral sa mga private higher educational institutions (HEIs) at technical vocational institutions (TVIs).
Sa ilalim ng panukala, ang UNIFAST Board ay mag-aadminister ng voucher system para sa mga benepisyaryo na nagnanais na makapag-aral sa state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) at public TVIs.
Ang Unifast ang magdedetermina ng mga kuwalipikadong estudyante para sa programa.
Advertisement