MANILA, Philippines- Bumoto na si Vice President Sara Duterte nitong Lunes ng umaga para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Davao City.
Nagtungo si Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Barangay Matina Crossing lampas alas-8:50 ng umaga para bumoto, ayon sa ulat.
Inaasahang boboto ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa parehong polling precinct.
Bilang kasalukuyang kalihim ng Department of Education (DepEd), sinabi ni Duterte na mahigpit nilang binabantayan lahat ng paaralan na ginagamit bilang polling precincts para sa BSKE.
Aniya, sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na anumang ulat ng problema ang kanyang opisina.
Hinikayat din ni Duterte ang lahat ng eligible Filipinos na bumoto ngayong eleksyon.
Nitong Miyerkules, bumisita si Duterte sa main office ng Commission on Elections (Comelec) upang suriin ang poll body at command center ng DepEd para sa BSKE.
Mahigit 8,000 guro ang nagsisilbing electoral board members para sa halalan ngayong taon. RNT/SA