Home HOME BANNER STORY VP Sara ‘dedma’ sa mga bagong alegasyon

VP Sara ‘dedma’ sa mga bagong alegasyon

MANILA, Philippines- Inihayag ni Vice President Sara Z. Duterte ang kanyang commitment na patuloy lamang siya sa tungkulin sa gitna ng mga bagong alegasyon mula sa dating Kingdom of Jesus Christ (KOJC) member na tumestigo sa Senado.

Sa video statement nitong Martes, sinabi ni Duterte na ang pag-atake at mga paratang laban sa kanya ay inaasahan na, dahil sa kanyang pagiging ikalawang highest ranking government official ng bansa.

“Sa kasaysayan ng Pilipinas, naging kagawian na ang pag-atake at pagbato ng sari-saring isyu laban sa Bise Presidente. Marahil, sapagkat ang Bise Presidente ang tumatayong pangunahing hadlang sa mga nangangarap maging pangulo,” aniya.

Anang dating KOJC member na si “Rene” sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nitong Lunes, nakatanggap ang Bise President at kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng “bags of guns” mula kay Quiboloy.

“Naniniwala ako na may tamang panahon para sa lahat. Panahon ngayon ng aking pagtatrabaho. Tutuparin ko ang sinumpaang tungkulin,” giit niya at sinabing ang tunay na problema at mga Pilipino ang kanyang prayoridad.

Matatandaang inakusahan ang Bise Presidente ni retired police officer Arturo Lascañas, na may kaugnayan umano ang una sa Davao Death Squad at siya umanong utak ng “Oplan Tokhang,” ang anti-drug campaign ng Philippine National Police sa nakaraang administrasyon.

Ani Duterte, “scripted” ang paratang at sinabing lumitaw lamang ang akusasyon nang mahalal siya sa kasalukuyang posisyon. RNT/SA

Previous articleBulacan court naglabas ng arrest warrant vs Tamano, Castro
Next articlePH intel services nakatutok sa external threats – PBBM