Home NATIONWIDE VP Sara, DepEd chief pa rin – PBBM

VP Sara, DepEd chief pa rin – PBBM

MANILA, Philippines – Mananatili sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Bise Presidente Sara Duterte bilang kanyang kalihim ng edukasyon.

Ito ay sa kabila ng mga talumpati laban sa kanya ng mga miyembro ng kanyang pamilya kamakailan.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa isang news briefing sa Vietnam kung saan tinatapos niya ang kanyang pagbisita sa estado.

Matatandaang kapwa binanatan ng kapatid at ama ni VP Sara na sina Mayor Baste Duterte at  dating Pangulong Rodrigo Duterte si Marcos.

Ang mga pahayag ay ginawa sa gitna ng isang kontrobersyal na kampanya ng people’s initiative para sa Charter change, na tinututulan ng mga Duterte.

Naniniwala naman si Vice President Duterte na ang panawagan ni Baste na pagbibitiw ni PBBM ay nagmula lang sa “isang brotherly love”. RNT

Previous articleBaste Duterte humingi ng tawad kay Sen. Imee
Next articlePBBM: People’s initiative posibleng out of option na sa Cha-cha