Home HOME BANNER STORY VP Sara ‘di na hihingi ng confidential funds sa OVP sa 2025

VP Sara ‘di na hihingi ng confidential funds sa OVP sa 2025

MANILA, Philippines – Nanindigan si Vice President Sara Duterte nitong Sabado, Hunyo 29 na hindi hihingi ng confidential fund ang kanyang opisina para sa budget program sa susunod na taon na P6.352 trilyon.

“For the Office of the Vice President, no, wala kaming proposal ng confidential funds for [next year],” sinabi ni Duterte sa isang ambush interview.

Matatandaan na hinayaan na lang din ni Duterte ang P500 milyong confidential at intelligence funds (CIF) sa ilalim ng proposed 2024 national budget.

Sa plenary deliberations sa 2024 proposed budget ng Department of Education (DepEd), sinabi ni Senador Pia Cayetano na hinayaan na lamang umano ni Duterte ang P150 million confidential funds ng kanyang opisina.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay inanunso ni Duterte ang pagbibitiw nito bilang
DepEd chief at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). RNT/JGC