Home NATIONWIDE VP Sara humarap sa foreign envoys, pinuri dahil sa mga Pinoy

VP Sara humarap sa foreign envoys, pinuri dahil sa mga Pinoy

199
0

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng samu’t-saring papuri si Vice President Sara Duterte para sa mga manggagawang Filipino, matapos bumisita sa kanya ang tatlong foreign diplomats.

Sa news release nitong Miyerkules, Hulyo 12, inanunsyo ng Office of Vice President (OVP) na nagpahayag ng interes ang mga ambassador ng Chile, Canada at Singapore na palakasin ang ugnayan nito sa Pilipinas.

Nagpasalamat naman si Duterte sa Canadian government makaraang sabihin ni Ambassador David Bruce Hartman na interesado silang isama ang Pilipinas sa kanilang Electronic Travel Authorization (eTA) program na nagpapahintulot sa mas maraming Filipino na bumisita, mag-aral o magnegosyo sa kanilang bansa.

“We appreciate the visa waiver program for the Filipinos,” ayon sa Bise Presidente.

Ang eTA program, ayon kay Hartman, ay naglalayong palakasin ang people-to-people relations.

Inaasahan na dalawang milyong Filipino ang bibisita sa kanilang mga pamilya at kaibigan sa Canada.

Samantala, sinabi naman ni Singaporean Ambassador to Manila Constance See Sin Yuan kung gaano nagpapasalamat ang kanilang pamahalaan sa overseas Filipino workers (OFWs) na naging bahagi na ng kanilang pang-araw araw na buhay.

“Filipinos stood by us, stood in solidarity in the fight against Covid,” sinabi ni See Sin Yuan.

Nagpahayag din si Chilean Ambassador to the Philippines Alvaro Jara Bucarey kay Duterte na palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.

“Masaya ako sa kanyang pagbisita at ipinaabot ko na handang tumulong ang ating opisina upang mapalakas ang relasyon ng ating bansa sa Chile,” sinabi ni Duterte. RNT/JGC

Previous article8 sa 10 Pinoy pabor sa depensa ng ka-alyansa ng Pilipinas sa WPS
Next articleDFA naglunsad ng microsite sa ika-7 anibersaryo ng WPS arbitral ruling

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here