Home NATIONWIDE VP Sara malabo na sa pwesto sa gabinete ni PBBM – Colmenares

VP Sara malabo na sa pwesto sa gabinete ni PBBM – Colmenares

MANILA, Philippines – Kasunod ng mga tirada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malabo na umanong maging bahagi ng gabinete ng kanyang administrasyon si Vice President Sara Duterte, ayon sa dating mambabatas.

Sa kasalukuyan ay nagsisilbing education secretary si Duterte.

“It’s her choice, and it’s President Marcos’ choice. Ang sinasabi ko lang naman, how can you maintain your position in the Cabinet after your father and your brother called your principal (out) for being a drug addict and at the same time dapat mag-resign,” ayon kay Bayan Muna chairperson Neri Colmenares.

Nitong weekend, inakusahan ni Duterte si Marcos na gumagamit ng illegal na droga.

Sinupalpal din ni Davao City Mayor Sebastian Duterte si Marcos at nanawagan na magbitiw na si Marcos sa pwesto.

Samantala, sinabi ng Bise Presidente na nauunawaan niya kung saan nanggagaling ang kanyang pamilya, sabay-sabing ang panawagan ng pagbibitiw ng Pangulo ay dahil sa “despicable treatment that I am receiving from some sectors within the circle of the President.”

“Para sa akin, the Vice President cannot continue to be a part of the Cabinet ni President Marcos… Hindi na yan tenable na mag-stay ka pa dyan. What will you do in Cabinet meetings? Puwede ba yun, wala nang tiwala sayo ang buong gabinete?” tugon dito ni Colmenares. RNT/JGC

Previous article2 nurse sugatan sa tandem sa Cavite
Next articleSimbahan ng Quiapo, idineklara nang National Shrine