Home NATIONWIDE VP Sara nagpaliwanag na sa buradong EDSA Revolution message

VP Sara nagpaliwanag na sa buradong EDSA Revolution message

MANILA, Philippines – Nagpaliwanag si Vice President Sara Duterte ukol sa buradong mensahe nito para sa ika-38 anibersaryo ng EDSA Revolution sa kanyang mga social media account.

“I didn’t intend to issue a statement this year as I did the previous year. Dahil dito, tinanggal ko ang EDSA anniversary post sa aking social media page,” ani Duterte sa ipinalabas na pahayag.

Binigyang-diin din ng Bise Presidente na nananatili ang kanyang posisyon noong 2017 sa anibersaryo ng EDSA revolution.

“Ang sinabi ko noong 2017 patungkol sa February 25 EDSA anniversary ay hindi nagbago. Ang posisyon ko ay nananatiling pareho ngayon,” giit pa niya.

Bagama’t hindi niya inilakip ang kanyang posisyon noong 2017 sa kanyang pinakahuling pahayag, matatandaang nauna nang sinabi ng alkalde ng Davao City noon na: “I find it hard to understand why this bloodless revolution has become the standard definition of freedom for our country and this standard is forced down our throats by a certain group of individuals who think they are better than everyone else.”

Ang pahayag noong 2017 ay bilang tugon kay noo’y Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Archbishop Socrates Villegas kasunod ng pananakot ng huli laban sa administrasyon ng kanyang amang noo’y Presidente Rodrigo Duterte sa isang liham sa yumaong si Jaime Cardinal Sin.

Sa isang post na ngayon ay tinanggal, hinimok ni Sara ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang pagtataguyod ng diwa ng EDSA at manindigan para sa tama.

“On this day, we commemorate the brave souls who stood united on the streets of Edsa, fighting for democracy and freedom,” ang nakasaad sa buradong mensahe ni VP Sara.

“As we celebrate this momentous occasion, let us remember the lessons of EDSA—the power of unity, the strength of the Filipino spirit, and the importance of standing up for what is right,” saad pa rito. RNT

Previous articlePAO Chief pinagmulta ng P180K ng SC sa indirect contempt of court
Next articlePinoy na guro sa US inaresto sa child pornography