Home NATIONWIDE VP Sara nagsalita na sa pagkakakalos ng confidential, intel funds

VP Sara nagsalita na sa pagkakakalos ng confidential, intel funds

MANILA, Philippines – MAG-ingat sa kaibigan.

Ito ang naging hiling ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kanyang mga supporters matapos na ma-realigned ang OVP, DepEd confidential at intelligence funds.

Sa four-minute video na naka-post sa kanyang Facebook page, makikita ang kahalintulad na mensahe nito noon subalit may idinagdag na babala sa kanyang mga supporters at hikayatin ang mga ito na kilalaning mabuti kung sino ang kanilang “real friends.”

“Huwag kayong sumama sa anumang uri ng pang-aapi. Sa halip, sa mga oras ng kagipitan, magmasid at magkilala kung sino ang mga tunay na mga kaibigan na nasa inyong tabi,” ayon kay VP Sara.

Bagama’t wala namang binanggit na mga pangalan , si VP Sara ay nasa gitna ng “most challenging era” ng kanyang political life, matapos siyang ‘balatan’ ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa kanyang panukalang confidential funds para sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), kung saan siya ang kasalukuyang pinuno nito.

Ang ginawang ito ni VP Sara ay nagpapakita lamang ng pagkalamat sa kanyang Uniteam tandem kay Pangulong Marcos matapos na pumanig siya kay dating Pangulo at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Arroyo nang mapaulat na tinangka di umano niyang maglunsad ng coup laban sa pinsan ni Pangulong Marcos na si House Speaker Martin Romualdez.

Matatandaangs, si Romuladez ang tumayong campaign manager ni VP Sara noong 2022, at pinaniniwalaan na nanghikayat dito na tumakbo bilang bise-presidente at iwan ang mayoralty race sa Davao City sa kanyang kapatid.

Subalit sa video message ni VP Sara, naging sentimenal ito at sinabihan ang kanyang mga supporters na “there is a time for everything.”

“Lahat ng bagay sa mundo ay may kanya-kanyang panahon,” dagdag na pahayag nito.

Tiningnan din ng Pangulo ang listahan ng ilang bagay gaya ng “life, death, sadness, happiness, love, anger, war, at peace” na pinaniniwalaan niya na may sari-sariling oras.

Ito aniya ay base sa Book of Ecclesiastes, kung saan pinag-usapan kung paano ang tao tumutugon sa iba’t ibang panahon sa kanilang buhay.

“Sa bawat yugto ng ating buhay, mahalaga na piliin natin ang kabutihan, pagkakaunawaan, at pagkakaisa. Sa bawat panahon, maging matatag tayo sa pagharap sa hamon at maging handa sa pagtanggap ng pagbabago,” dagdag na wika ni VP Sara.

Sa nauna namang kalatas ni VP Sara, sinabi nito na maaga pa para sa pamumulitika dahil masyado pang malayo ang susunod na eleksyon.

Nanawagan din si VP Sara ng pagkakaisa at pinasalamatan nito ang kanyang mga taga-suporta para sa green ribbon na may salitang “Sara” na pinost ng mga ito sa kanilang social media accounts.

“Hinihikayat ko ang bawat isa sa inyo na tutukan ang paghahanda sa darating na panahon ng taghirap lalo na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang bilihin,” ang nakasaad sa kalatas.

Maliban sa kamakailan lamang na talumpati nito kung saan tinawag ng mga kritiko ng kanyang tanggapan ang
’confidential funds na “enemy of the state,” ito ang pangalawang pagkakataon na tinalakay niya ang isyung ito na ibinabato laban sa kanya.

Matatandaang, kinastigo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga kritiko ng kanyang anak na si VP Sara, tinawagan ng pansin ang Kongreso kabilang na si House Speaker Martin Romualdez, dahil sa pag-atake laban sa Vice President.

Sinabi ni Duterte na nais kasi ni Romualdez na tumakbo bilang Pangulo ng bansa.

Nauna rito, binakbakan ng House appropriations committee ang pinagsamang P650-million—P500 million para sa OVP at P150 million para sa DepEd—panukalang confidential funds para sa 2024. Kris Jose

Previous articleMissing beauty queen huling nakita sa mall sa Batangas
Next articleSitio Kapihan bibisitahin mismo ni DSWD chief Gatchalian