Home NATIONWIDE VP Sara nakiisa sa anibersaryo ng People Power

VP Sara nakiisa sa anibersaryo ng People Power

MANILA, Philippines- Bilang paggunita sa ika-38 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution, hinikayat ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na panatilihin ang “EDSA spirit” at manindigan sa tama.

“On this day, we commemorate the brave souls who stood united on the streets of Edsa, fighting for democracy and freedom. As we celebrate this momentous occasion, let us remember the lessons of EDSA—the power of unity, the strength of the Filipino spirit, and the importance of standing up for what is right,” pahayag ng Bise Presidente.

Ani Duterte, binigyang-daan ng kanilang katapangan at determinasyon ang mas mainam na Pilipinas, at hindi malilimutan ang kanilang mga sakripisyo.

“Let us continue to build a nation where justice, peace, and prosperity prevail, where every voice is heard, and every dream is achievable,” panawagan ni Duterte.

“Happy Edsa anniversary to all Filipinos. May we continue to uphold the spirit of Edsa in all that we do,” dagdag niya.

Pinatalsik ng EDSA People Power Revolution si Pangulong Ferdinand Marcos Sr. mula sa kapangyarihan noong 1986. Nitong Linggo, ipinagdiwang ng mga Pilipino ang ika-38 anibersaryo nito a iba’t ibang parte ng Pilipinas. RNT/SA

Previous articleDOH nanawagan ng organ donations
Next articlePinoy teacher arestado sa US airport sa child porn