Home NATIONWIDE VP Sara nanawagan ng mabilis na aksyon sa pananambang sa doktor sa...

VP Sara nanawagan ng mabilis na aksyon sa pananambang sa doktor sa Maguindanao

MANILA, Philippines – Lumahok si Vice President Sara Duterte sa mga kumondena sa pananambang sa isang doktor sa Maguindanao del Sur.

Ayon kay Duterte, ang pananambang kay Dr. Sharmaine Barroquillo ay nagpapakita ng sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Dahil dito ay hinimok niya ang mga awtoridad na agaran itong resolbahin.

“Walang sinuman sa atin, lalo na ang mga responsableng mamamayan at kawani ng pamahalaan na katulad ni Dr. Barroquillo na tunay naglilingkod sa mga Pilipino, ang dapat na dumanas ng karahasan sa kamay ng mga kriminal,” anang Bise Presidente.

“Tandaan natin na sa peace and order nakasandal ang ating kalayaan at ang kaunlaran ng ating bansa,” dagdag pa niya.

Nauna nang kinondena ni Health Secretary Ted Herbosa ang pag-ambush kay Barroquillo, na isang doktor sa Sultan Kudarat Provincial Hospital.

“Kulang na nga tayo ng health workers — naga-abroad sila [papunta] sa ibang bansa — tapos dito papatayin. We abhor this kind of behavior,” ani Herbosa.

Kasabay na kumondena rin sa insidente ang Metropolitan Davao Medical Society Inc. at si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III. RNT/JGC

Previous articleTalong ni mister, pinutol ni misis sa Peru
Next articlePIRMA pinakilos ni Romualdez para sa pekeng peoples’ initiative – Bato