Home NATIONWIDE VP Sara nasa Cambodia para sa SEAMEO duty

VP Sara nasa Cambodia para sa SEAMEO duty

MANILA, Philippines- Kasalukuyang nasa Cambodia si Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang bahagi ng kanyang panunungkulan bilang presidente ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).

Dumating si Duterte sa Phnom Penh nitong Miyerkules ng gabi, base sa ulat.

Bilang pinuno ng SEAMEO, inaasahang tutukuyin niya kung paano makatutulong ang SEAMEO sa education sector sa Cambodia.

Kabilang sa mga inisyal na aktibidad ni Duterte ngayong Huwebes ang courtesy call sa Cambodian Deputy Prime Minister at sa Minister of Education, Youth and Sport, na counterpart niya bilang DepEd secretary.

Nakatakda ring bisitahin ni Duterte ang SEAMEO Regional Centre for Technical Education Development, at ilang paaralan sa Cambodia.

Gayundin, makikipagkita siya sa Filipino community leaders pagsapit ng hapon.

Sa kasalukuyan ay mataas ang demand ng Filipino teachers sa Cambodia, kung saan ¾ ng 7,000 overseas Filipino workers (OFWs) doon ang nagsisilbing educators. RNT/SA

Previous articlePH umiiwas sa armed conflict vs Tsina; kapayapaan hangad sa S. China Sea
Next articleIlang kalsada sa Maynila sarado sa Marso 25-26