Home NATIONWIDE VP Sara: Pagbabalik sa June-March school calendar binubusisi pa

VP Sara: Pagbabalik sa June-March school calendar binubusisi pa

MANILA, Philippines- Ikinokonsulta pa ang pagbabalik sa lumang school calendar kung saan nagbubukas ang klase tuwing Hunyo, sa iba’t ibang stakeholders, ayon kay Vice President and Education Secretary Sara Duterte nitong Huwebes, sa annual Basic Education Report (BER).

Inilahad ito ng opisyal sa BER 2024 event sa Sofitel Manila sa Pasay City.

“On the reversion of the School Calendar, we have recently conducted a consultation in the Central Office with various teacher organizations, parent-teachers associations, student leaders and other relevant groups,” aniya.

“Consultations on the ground – at the Regional and Division levels – are currently ongoing. We are awaiting the results of the consultation,” patuloy ng opisyal.

Bagama’t hindi siya nagbigay ng detalye, nauna nang inihayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na sumang-ayon ang Department of Education (DepEd), na pinamumunuan ni Duterte, na ibalik ang lumang school calendar na June hanggang March.

Magsisimula ito pagkatapos ng School Year 2023-2024 at opisyal na ia-adjust ang pagsisimula ng SY 2024-2025. Maaagang matatapos ang SY 2023-2024 na nakatakda sana sa June 14, habang magsisimula ang SY 2024-2025 sa Hulyo sa halip na sa Agosto.

Ito ay bilang tugon sa reklamo ng mga estudyante, magulang, at mga muro, na sobrang init sa karamihan sa public school classrooms pagsapit ng April at May, sa kasagsagan ng summer season sa Pilipinas.

Samantala, ibinunyag ni Duterte na bumubuo ang DepEd ng bagong immersion program para sa senior high school students.

“We are currently in talks with a mall group for the development of work immersion programs for our Senior High School learners, with the aim of providing eventual employment possibilities upon graduation,” ayon kay Duterte. RNT/SA

Previous articleUpos ng yosi pangunahing kalat sa NCR
Next articleLider ng criminal group, mga kasamahan patay sa engkwentro sa P’que