Home IN PHOTOS VP Sara pumasyal sa command center ng MMDA sa transport strike

VP Sara pumasyal sa command center ng MMDA sa transport strike

MANILA, Philippines – Kasabay ng transport strike na nagdulot sa maraming mga pasahero para mahirapang makasakay ng jeep, bumisita si Vice President Sara Duterte sa Communications and Command Center ng
Metropolitan Manila Development Authority nitong Lunes, Nobyembre 20.

Personal siyang sinamahan ni MMDA Chairman Romando Artes at LTFRB Chairman Teofilo Guadiz upang silipin ang sitwasyon sa mga kalsada sa Metro Manila.

Maliban sa pagiging Bise Presidente, si Duterte ay Kalihim din ng Department of Education na nauna nang nagsabi na ipinauubaya na lamang nila sa mga apektadong local government units ang suspensyon ng klase sa tatlong araw na tigil-pasadang nagsimula ngayong araw.

Dahil dito, may mga ilang estudyante ang nahirapang makasakay partikular na sa mga apektadong ruta. RNT

Previous articlePilipinas mananatiling responsableng kapitbahay sa Indo-Pacific region – PBBM
Next articleDie-in protest idinaos kasabay ng tigil-pasada ng mga jeepney