Home NATIONWIDE VP Sara sa mga Kristiyano: Pananampalataya, demokratikong pag-asa pagyamanin sa Semana Santa

VP Sara sa mga Kristiyano: Pananampalataya, demokratikong pag-asa pagyamanin sa Semana Santa

MANILA, philippines – NAKIKIISA si Vice President Sara Z. Duterte sa mga Kristiyanong Filipino sa paggunita sa panahon ng kuwaresma na may kasamang panalangin para sa kapayapaan at pagkakaisa.

“Maging inspirasyon sana natin ang pagkakataong ito upang ipagpatuloy ang ating maka-Diyos at demokratikong mithiin para sa bayan at bumuo ng isang mapayapang bansa,” ang sinabi ni VP Sara sa isang video message.

Maliban sa alalahanin ang kabutihan at sakripisyo ng Panginoong Hesukristo, hinikayat ni VP Sara ang mga Kristiyanong Filipino na patuloy na palakasin ng kanilang pananampalataya.

“Nawa’y maging gabay ang Kaniyang mga aral at salita sa ating pang-araw-araw na pamumuhay,” ayon pa rin kay VP Sara.

Tinuran pa nito na sinunod ng Panginoong Hesukristo ang kagustuhan ng Diyos Ama na ipako sa krus at ialay ang kanyang buhay para sa pagmamahal sa sangkatauhan.

Para sa mga Kristiyano, “Lent is a time of reflection and an opportunity to have a deeper relationship with God.”

Magtatapos ang Mahal na Araw sa Black Saturday o Sabado de Gloria at sinasalubong ng pagdiriwang para sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo sa Linggo ng Pagkabuhay. Kris Jose

Previous articleP585B hihiramin ng gobyerno sa local creditors sa Q2
Next articleMagsasaka binato sa ulo patay sa senglot