Home NATIONWIDE VP Sara sa OFWs sa Singapore: Hinihintay na namin kayong umuwi

VP Sara sa OFWs sa Singapore: Hinihintay na namin kayong umuwi

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagbisita ni Vice President Sara Duterte sa Singapore, kinilala nito ang sakripisyo ng overseas Filipino workers (OFWs) sa nasabing bansa, sabay-sabing naghihintay na ang Pilipinas sa kanilang pag-uwi.

Matatandaan na binisita ni Duterte ang Singapore nitong Martes at Miyerkules, na bahagi ng kanyang aktibidad bilang pangulo ng inter-governmental group na Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMO).

“Sa aking mensahe, kinilala ko ang sakripisyo ng mga overseas Filipino workers—kabilang na ang pagkakawalay nila sa kanilang mga pamilya upang mabigyan sila ng komportableng pamumuhay. We are all waiting for you back home,” pahayag ni Duterte.

“Sa pangunguna ni Centre Director Susan Leong, nailahad sa atin ang dalawang pangunahing programa ng RELC—ang pagbibigay ng scholarship programs sa mga guro mula sa mga bansang kasapi ng organisasyon at ang pagsasagawa ng mga international conferences. Ipinahayag natin ang ating interes na makipagtulungan sa mga kasapi ng organisasyon,” pagpapatuloy pa niya.

Bago rito ay nakipagkita si Duterte kay
Singapore Foreign Affairs Minister Vivian Balakrishnan, kung saan pinag-usapan nila ang mga usapin sa sektor ng edukasyon at mabubuting kasanayan ng dalawang bansa. RNT/JGC

Previous article4,500 bakanteng nursing positions sa pamahalaan, pupunan ng DOH
Next article‘FAKE NEWS’ NG NPA