Home HOME BANNER STORY VP Sara sasabak sa sunod na eleksyon

VP Sara sasabak sa sunod na eleksyon

MANILA, Philippines – NGAYON pa lamang ay idineklara na ni Vice President Sara Duterte na sasabak siya sa susunod na eleksyon.

Ang susunod na halalan sa bansa ay sa taong 2025, ito’y para sa Senate, congressional, at local seats.

Hindi naman binanggit ni VP Sara kung anong posisyon ang plano niyang takbuhan lalo pa’t ang kanyang termino bilang Bise-Presidente ay magtatapos pa sa 2028.

Sa naging talumpati ni VP Sara sa isang event sa Davao City, sinabi nito na “I heard my brothers, Mayor Baste and Congressman Pulong, say that they will not run in the next election, so I am here today to campaign with you because I will run in the next election”, tinukoy ang kanyang mga kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.

Sa kabilang dako, dismayado naman si VP Sara sa di umano’y “buying of signatures” para sa sinasabing people’s initiative para amiyendahan ang ilang probisyon sa Saligang Batas.

Para kay VP Sara, insulto aniya iyon sa mga ordinaryo at mahirap na mamamayang Pilipino.

Sumasalamin aniya ito sa karakter ng isang politician, sa isyu ng vote-buying tuwing eleksyon. Kris Jose

Previous articleReorganisasyon ng NICA iniatas ni PBBM vs mga bagong banta sa seguridad
Next articlePagtanggap ng mga pirma sa People’s Initiative dinepensahan ng Comelec