Home NATIONWIDE VP Sara: School year adjustment sumailalim sa konsultasyon

VP Sara: School year adjustment sumailalim sa konsultasyon

DAVAO CITY- Sinabi ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte nitong Miyerkukes na ang desisyon ng Department of Education (DepEd) na baguhin ang school calendar ay sumailalim sa wastong konsultasyon sa stakeholders.

 Sa isang panayam matapos dumalo sa isang programa sa San Antonio, Agdao, Davao City, sinabi niya na una silang komunsulta sa National Capital Region (NCR) at sinundan ng iba pang rehiyon sa bansa.

“Nag-consult tayo sa mga teachers, sa mga stakeholders, sa mga parents, and sa mga students. And wala siyang ibang rason, mainly because of tradition and preference ng karamihan,” aniya.

Ayon pa kay Duterte, batay sa kanilang konsultasyon, marami ang pabor sa unti-unting paglipat sa dating school calendar.

Base sa DepEd order no. 3 series of 2024, matatapos ang kasalukuyang school year sa May 31, habang nakatakda ang school break sa June 1 hanggang July 26.

Magsisimula ang school year 2024 hanggang 2025 sa July 29, 2024 at matatapos sa May 16, 2025.

Sa kabila nito, tinitiyak ng DepEd na hindi maaantala ang pagkatuto ng mga mag-aaral. RNT/SA

Previous articlePNP walang impormasyon sa banta sa buhay ni Quiboloy
Next articleDENR: Imprastraktura sa pag-recycle sa Pinas, kulang