Home NATIONWIDE VP Sara tikom-bibig sa Duterte-Duterte tandem sa 2028

VP Sara tikom-bibig sa Duterte-Duterte tandem sa 2028

MANILA, Philippines – Sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi niya pinag-uusapan ang pulitika sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin niya ito nang tanungin tungkol sa isang “Duterte-Duterte” tandem na sinasabing pinalaki ni dating chief presidential legal counsel Salvador Panelo.

“Hindi kami nag-uusap ng politika kapag nagkakasama kami. Laging iyong mga concerns ng kanya-kanyang pamilya ang napag-uusapan,” aniya sa isang ambush interview sa Cambodia.

“Hindi ko alam kung marami silang pag-uusap. Kasi wala naman ako doon, hindi ko narinig. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusap ni Atty. Panelo at ni former Pres. Duterte,” aniya pa. RNT

Previous articleNag-apruba sa Chocolate Hills resort, tserman lang – DILG
Next articleSunog sa Tondo umabot sa ikalimang alarma!