MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nitong Huwebes na bibisita siya sa Singapore at Brunei Darussalam sa Hunyo bilang parte ng kanyang mantado June sa pagka-presidente sa Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).
Sa Department of Education’s (DepEd) Partners Convergence sa National Museum of Natural History, inihayag ni Duterte ang pag-asa na magpapatuloy ang pagbuo ng partnerships sa ibang bansa para isulong ang de-kalidad na edukasyon para sa lahat.
Sinabi niya na ang kanyang paglalakbay sa Singapore at Brunei ay bahagi ng kanyang tungkulin bilang Council President ng SEAMEO, isang regional intergovernmental organization ng Southeast Asian countries na naglalayon na isulong ang regional cooperation sa edukasyon, agham, at agrikultura.
“Hopefully, we will be able to learn from the two country’s best practices in the area of education and the other SEAMEO member countries,” pahayag ni Duterte.
Pormal na inihalal ang Pilipinas, na kinakatawan ni Duterte, bilang SEAMEO Council President noong Pebrero.
Dahil dito, inaasahang pangungunahan ng DepEd ang Council mula 2023 hanggang 2025. RNT/SA