Home NATIONWIDE ‘Wag matakot sa China, PH dapat magpadala ng mga barko sa Reed...

‘Wag matakot sa China, PH dapat magpadala ng mga barko sa Reed Bank – Carpio

MANILA, Philippines – Hindi dapat matakot ang Pilipinas sa mga aksyon ng China sa pagsisiguro sa Reed Bank, kasabay ng paghanap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng iba’t ibang paraan upang protektahan ang soberanya ng bansa, sinabi ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio nitong Miyerkules, Disyembre 20.

“We should be sending our survey ship and drill ship already to Reed Bank, accompanied by our Navy. At the same time, we should be conducting joint maritime patrols with the US,” ani Carpio sa panayam ng CNN Philippines.

Ito rin ang kaparehong estratehiya na ginawa ng Malaysia at Indonesia para makakuha ng gas sa kanilang exclusive economic zone sa kabila ng banta ng China.

“We don’t need China to recognize our EEZ. As long as we get our natural resources in our EEZ, then we are winning,” ipinunto ni Carpio.

Ang Reed Bank, na tinatawag ding Recto Bank, ay mayaman umano sa oil at gas reserves. Matatagpuan ito sa West Philippine Sea.

Noong 2016 ay idineklara ng arbitral ruling na bahagi ito ng 200-nautical mile EEZ ng Pilipinas, nangangahulugan na tanging ang Pilipinas lang ang may karapatan para rito.

Tinanggihan naman ng China ang desisyong ito at nagpupumilit pa rin na teritoryo nila ang naturang mga lugar.

Nitong Martes, sinabi ni Marcos na kailangan ng Pilipians ng “paradigm shift” sa pagtugon sa lumalalang panggigipit ng China sa West Philippine Sea.

“When you talk about paradigm shift it’s about a change in the way we look at things and at the same time the way we do things also. So, probably a change in a way that will enable us to achieve the desired result as far as China’s behavior is concerned,” paliwanag ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Col. Medel Aguilar sa naging pahayag ng Pangulo.

Bagama’t suportado nila ang diplomatikong pamamaraan, sinabi ni Aguilar na handa ring magpatupad ng iba pang aksyon ng AFP sa magiging desisyon ng pamahalaan.

Bagama’t napipreserba ani Carpio ang legal rights ng bansa sa diplomatic protests, hindi sapat ang mga ito upang masiguro na may access sa likas-yaman ang Pilipinas, kung kaya’t kailangan nang masiguro ng bansa ang naturang lugar para mapanatili ang karapatan nito.

Mahalaga ang Recto Bank sa bansa dahil inaasahang masasaid na ang suplay mula sa Malampaya gas field sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon, dagdag ni Carpio.

“The flow of gas is very weak. Instead of supplying three of our largest gas-fired plants in Luzon, Malampaya supplies only two… We have to import LNG (liquefied natural gas) which is very costly,” paliwanag niya.

Dalawa hanggang tatlong beses din na mas malaki ang Reed Bank kumpara sa Malampaya, na magandang pagmumulan ng gas sa loob ng 60 taon. RNT/JGC

Previous articleBasbas sa LGBT couples, simbolo ng habag – Villegas
Next article‘SIM registration’ top search sa Google PH ngayong 2023