Home HOME BANNER STORY Wala nang aktibong NPA guerilla front sa Pinas – PBBM

Wala nang aktibong NPA guerilla front sa Pinas – PBBM

MANILA, Philippines – WALA nang aktibong New People’s Army (NPA) guerrilla fronts sa Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na resulta ito ng matagumpay na pinaigting na kampanya ng administrasyon laban sa internal threats.

Sa isang video na in- upload sa kanyang social media accounts, araw ng Sabado, Enero 13, pinuri ni Pangulong Marcos ang mga law enforcer sa pagganap sa kanilang mga papel at tungkulin sa pagsisikap ng gobyerno para kontrahin ang internal security threats.

Ayon sa Pangulo, “as of December 2023”, na neutralized ng gobyerno ang 1,399 miyembro ng komunista at local terrorist groups.

Iniulat nito na nasamsam ng gobyerno ang 1,751 firearms sa pamamagitan ng pagsilo, pagbawi at pagsuko “as of last month.”

Dahil dito, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi ititigil ng pamahalaan ang anti-insurgency campaign nito.

“Maaari na nating mai-report na wala ng active NPA guerilla front as of December 2023. Kaya patuloy nating ipaglalaban ito,” aniya pa rin.

“These commitments underscore our steadfast commitment to peace and stability,” dagdag na wika nito.

Pinuri rin ng Punong Ehekutibo ang mga naging bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan laban sa internal threats, partikular na sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of National Defense (DND).

“Maganda naman ang performance ng ating AFP. Maganda naman ang performance ng ating mga pulis at maganda ang koordinasyon ng SND, ng Department of National Defense, lahat ng ating intelligence agencies,” ayon pa rin sa Pangulo.

“Sila nagtutulungan kaya naman naging matagumpay ang ating kampanya kontra sa internal terrorism,” dagdag na wika nito. Kris Jose

Previous articleP662M lotto jackpot ‘di natumbok
Next articleHalos P1 sirit-presyo sa diesel, kerosene nakaamba