EGYPT – Wala nang Filipino na inaasahang tatawid sa Gaza-Egypt border.
Ito ang sinabi ng Philippine Embassy sa Egypt kung saan ang nalalabing mga Filipino sa Gaza Strip ay tumutuloy na sa mga ligtas na lugar, malayo sa sentro ng kaguluhan.
Noong Nobyembre 2, matatandaan na dalawang doktor na Filipino mula sa Doctors Without Borders safely ang ligtas na nakatawid mula Gaza patungong Egypt.
Sinundan ito ng 40 iba pang Filipino noong Nobyembre 8.
Noong Nobyembre 10, 56 pang Filipino ang umalis ng Gaza, ngunit ayon sa Department of Foreign Affairs, 14 sa mga ito ang nagdesisyong huwag nang tumuloy sa Cairo dahil hindi binigyan ng security clearance ang mga asawa nitong Palestinian.
Nitong Martes, 14 pang Filipino kabilang ang apat na mga bata at sanggol, ang dumating sa Pilipinas. Ito na ang ikatlong batch ng Filipino repatriates.
Ang Rafah Crossing sa Sinai peninsula ng Egypt ang tanging exit point mula Gaza na hindi kontrolado ng Israel.
Dito dumadaan ang mga trak na may kargang humanitarian aid. RNT/JGC