Home NATIONWIDE Wala pa ring pinal na desisyon sa pagpapatuloy ng Afghan refugees –...

Wala pa ring pinal na desisyon sa pagpapatuloy ng Afghan refugees – PBBM

191
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon ng progreso sa isinagawang pag-uusap ukol sa kung papayagan ng pamahalaan na pansamantalang manatili sa Pilipinas ang mga Afghan nationals gaya ng naging kahilingan ng Estados Unidos.

Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na walang deadline sa pagdesisyon sa usaping ito.

Aniya, nagpapatuloy ang konsultasyon sa mga amerikano.

“Well, we have not given ourselves a deadline. What we are talking about is that we’re trying to see what are the problems, what are the issues arising and in so doing, we are trying to find ways to remedy those issues that we feel are something that we have to deal with,” ayon sa Pangulo.

“We have made some progress but there’s still some major obstacles to us being able to do it. But we continue to consult with our friends in the United States,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Tinuran ng Chief Executive, na nais niyang ipakita ang “instinct of hospitability” ng mga filipino, gayunman, ang “specific request” na ito ng Estados Unidos ay komplikado lalo pa’t mayroong political at security concerns.

“In a way, I would like to manifest the Filipino instinct of hospitability and as you know, many times have happened that there have been world situations around the world and may nagkakarefugee, hindi tinatatnggap, kahit saan tayo tinatanggap natin, hindi tayo kinakalimutan ng mga tinulungan natin. Ganyan talaga ang ugali ng Pinoy,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“Ngunit ito ibang usapan to kasi may halong politika, may halong security, so medyo mas kumplikado ito [But this one has political, security issues … so it is more complicated] so we’ll look at it very very well before making a decision,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose

Previous article#LibrengSakay sagot ng LTFRB sa 3-araw na transport strike
Next articleNakamit na pag-unlad ng Pinas ibibida ni PBBM sa 2nd SONA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here