Home OPINION WALA PALANG HAWAK NA PRUWEBA

WALA PALANG HAWAK NA PRUWEBA

MAINIT ang patutsada nitong mga miyembro ng Kamatayan ehem, Makabayan bloc pala, diyan sa Kongreso hingil sa confidential funds ng tanggapan ni Vice President at Education Secretary Inday Sara Duterte.

Kahit nagpaliwanag na ang Pangalawang Pangulo, sige pa rin sa panggugulo ang Makabayan Bloc , ang grupo ng mga mambabatas na  panig sa sa komunistang-teroristang samahan na CPP-NPA-NDF.

Sentro na lang muna tayo sa kanilang isyu laban Kay Inday Sara. Sa kahaba-haba nga raw ng prusisyon sa simbahan din ang  tuloy nito.

Parang ganito ang nangyari sa kasisigaw ng mga umanong alingasaw raw sa Office of the Vice President dahil nga sa confidential fund o kung minsan ay tinatawag na intelligence fund.

Nauwi ito hindi sa simbahan kundi sumabog sa kanilang mukha at sa kanilang mga bibig na rin nanggaling na “wala” pala silang hawak na matibay na pruweba sa pondong ito.

“We have no proof right now, pero may mga question tayo. Kaya nga gusto nating magtanong eh. Kaya gusto nating mag-ungkat kung ano talaga yung nangyayari dito,” ang paliwanag ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosassa sa  isang virtual na press conference.

Eh sa pati nga usaping maling paggamit raw ng P125 milyon  pondong ito noong nakaraang 2022 eh sa kanila rin galing.

Tapos, eto sila’t nagsasabing WALA pala silang pruweba o ebidensiyang matibay para mapatunayan ang kanilang mga paratang. Anong klaseng usapan o diskusyon ito? Para lamang ba makagawa ng ingay?

Kailangan nilang mag-ingat dahil unti-unti nang nauubos aang armado nilang samahang CPP-NPA-NDF. Dahil kung hindi nila ito gagawin, kasama silang malulusaw ng mga komunistang-terorista nilang samahan.

Maging si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, eh lumambot na rin at sinusugan ang pahayag na iyon ni Brosas. Ayaw niya rin palawagin pa ang kanyang mga pahayag.

Bandang huli, titigil ang mga ito panandali at saka uli mag-iingay para ‘di makalimutan ang kanilang mga pangalan ng ating mga kababayan.

Eto ang flex ko, kung ang Kamatayan, ehem, Makabayan Bloc pala, ang atin namang tatanungin, sasagot kaya sila?

Paano kung ang tanong ay “may bahagi ba sa pondong nakukuha n’yo sa Kamara bilang kinatawan ng mga partylist ang CPP-NPA-NDF na umano’y ipinambibili nila ng armas?”

Previous article‘TSOKOLATENG DOLLAR BILLS’
Next articleKAMAY NA BAKAL NI PBBM VS. ECONOMIC SABOTEURS