Home NATIONWIDE Wala pang budget sa hiwalay na detention facility sa mga Muslim –...

Wala pang budget sa hiwalay na detention facility sa mga Muslim – DOJ

Aabot sa 923 Person Deprived of Liberty (PDL) ang boboto ngayong 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Bureau of Correction mula sa Maximum, Minimum at Medium Security Compound ng Bucor. Cesar Morales

MANILA, Philippines – Malabong maipatupad ang pagkakaroon ng hiwalay na pasilidad sa Persons Deprived of Liberty (PDL) na Muslim.

Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kailangan ang masusing pag-aaral sa panukalang Separate Prison for Muslim PDLs dahil sa lilikhaing epekto nito sa sistema ng mga bilangguan.

Ang pahayag ng Kalihim ay bunsod sa panukala ng Office of the Presidential Adviser on Muslim Affairs na ibukod ang pasilidad para sa Muslim PDLs upang mapreserba ang kanilang kultura kahit nasa loob ng piitan ang mga Muslim at sa harap na rin ng nalalapit na Ramadan.

Ayon kay Remulla, sa sandaling pagbigyan ang isang religious group ay posibleng magsunuran na rin ang iba pang relihiyon.

Wala rin aniyang budget ang DOJ para sa pagtatayo ng mga bagong piitan. Teresa Tavares

Previous articleDeadline ng bid submission sa SETS project, iniurong ng Comelec
Next articleGolden Rose, iginawad ni Pope Francis sa Antipolo Shrine