Home NATIONWIDE Wala pang panawagan sa special polls sa Batangas congressional seat – Comelec

Wala pang panawagan sa special polls sa Batangas congressional seat – Comelec

MANILA, Philippines – Hinihintay pa ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon ng House of Representatives kung magsasagawa o hindi ng special election para sa ika-anim na distrito ng probinsya ng Batangas.

“It depends on the House of Representatives if they will call for one. There is none so far, likely because Congress has not yet resumed session,” sabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia nitong Martes, Enero 16.

Batay sa mga patakaran nito, kailangan munang maglabas ng certificate of permanent vacancy at resolusyon ang lower chamber bago magsagawa ng special election ang poll body.

Noong nakaraang linggo, hinirang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Representative Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance.

Pinalitan ni Recto si Benjamin Diokno, na hinirang na miyembro ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Iniwan din ni Recto ang kanyang puwesto bilang isa sa mga deputy speaker ng Kamara. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article60% ng mga Pinoy sang-ayon sa tugon ng pamahalaan sa isyu sa WPS – OCTA
Next articlePBBM bumati Taiwan president-elect, PH ambassador ipinatawag ng China