Home HOME BANNER STORY Walang bagong buwis na ipapataw ngayong taon – Recto

Walang bagong buwis na ipapataw ngayong taon – Recto

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Finance Secretary Ralph Recto na walang bagong buwis na ipapataw ngayong taon.

Aniya, ang ang pagpapataw ng bagong buwis ay makapag-aambag lamang sa inflation kung saan nananatiling pangunahing concern para sa mga Pilipino.

Sinabi nito na patuloy pa rin nilang nirerebisa at sinasala ang mga tax proposal ng kanyang predecessor na si Benjamin Diokno, subalit ang planong lagyan ng bagong buwis ang “sweetened beverages at junk food” ay tuluyan ng binasura.

“As to imposing new taxes, there are no plans of imposing additional new taxes. I think our first job is to collect what is on the table,” ayon kay Recto.

Winika pa rin nito na ang karagdagang Motor Vehicle User’s Charge (MVUC) ay hindi na rin pinag-uusapan.

“The MVUC increase. We’re tempering that proposal. Because I think yung motorista, marami ng masyadong buwis na binabayaran. There are excise taxes and VAT and oil. There are excise taxes, duties and VAT on vehicles,” ang pahayag ng Kalihim.

Subalit sa kabila ng walang ipakikilalang bagong buwis, sinabi ni Recto na nananatili ang layunin ng pamahalaan na makakolekta ng P4.3 trillion na revenues ngayong taon, Idagdag pa ang pangangailangan na makahiram ng P2.4 trillion na gagamitin para gatongan ang paglago ng ekonomiya.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ni Recto ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na pagbutihin ang kanilang revenue collection, maging mas transparent, alisin ang korapsyon at isulong ang digitalisasyon.

Winika naman ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr na layon nilang makakolekta ng P3 trillion na buwis ngayong taon.

“We believe that if we make it easier for taxpayers to comply and we educate them properly, compliance for taxpayers will go up,” ayon kay Lumagui.

Para naman kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, target ng ahensiya na makakolekta ng P1 trillion ngayong taon.

“We try to engage and collaborate with other law enforcement agencies in order for us to protect our borders and prevent the entry of illicit goods, contrabands, drugs,” ayon pa rin kay Rubio. Kris Jose

Previous articleVP Sara nagtataka kung bakit inaatake siya ni Romualdez
Next articleCha-cha plebiscite ‘di mangyayari sa 2024, 2025 – Comelec