MANILA, Philippines – Walang nakikitang papasok na bagyo o anomang weather disturbance ang PAGASA na may direktang epekto sa bansa sa susunod na 3 araw.
Sinabi ni PAGASA weather forecaster Obet Badrina na mananatiling mainit ang panahon sa Metro Manila, Luzon at Visayas sa umaga at hapon na may isolated rainshowers at thunderstorms sa gabi.
Samantala, ang Intertropical Convergence Zone ay patuloy na nakakaapekto sa Mindanao, na nagdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. RNT