Manila, Philippines-Walang plano ang Philippine Competition Commission (PCC) na magpataw na cap sa bilang motorcycle taxis na papayagang bumiyahe sa bansa.
Makahihikayat din umano ito ng marami pang players na pumasok sa lumalaking motorcycle taxi industry sa bansa bukod sa makikinabang dito ang mga komyuter.
Ang mga puntong ito ay ipinarating ng kinatawan ng PCC sa joint hearing ng Senate committee on public services at local government na tumalakay sa panukalang i-regulate at gawing legal ang motorcycles-for-hire para matiyak na sila ay ligats, epektibo at abot-kayang uri ng pampublikong transportasyon.
Nang tanuning ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang posibleng pagpasok ng Grab Philippines sa motorcycle taxi industry, sinabi ni ni PCC Executive Director Kenneth Tane na: “In terms of market situation, more players would be better for consumers.”
“If we are going to apply competition principles, no cap would be better given that it would benefit the consumers,” dagdag pa niya.
Sa guidelines ng Department of Transportation-backed Technical Working Group, tatlong transportation network companies lang ang pinayagang mag-operate sa ilalim ng tatlong taong pilot program – ang Angkas, na may tinatayang 50% market;JoyRide at Move It.
Ang equal allocation [ara sa tatlo sa ilang pilot areas ay ang mga sumusunod: 45,000 National Capital Region; 9,000 sa Cebu; at 9,000 sa Cagayan De Oro.
Advertisement