Home HOME BANNER STORY Walang estudyanteng Pinoy na nasaktan sa Prague shooting – PH embassy

Walang estudyanteng Pinoy na nasaktan sa Prague shooting – PH embassy

MANILA, Philippines – Walang estudyanteng Pinoy ang nasawi sa malagim na pamamaril sa Charles University sa Prague.

Mayroong anim na Filipino ang napag-alamang nag-aaral sa nasabing unibersidad.

Sinabi ng Philippine Embassy sa Czech Republic na sinigurado nilang ang anim na Filipinong estudyante ay “safe and everyone is monitoring the situation closely.”

Ayon sa ulat, isang estudyante ang walang habas na namaril sa loob ng philosophy department ng Charles University nitong Huwebes.

Kasunod nito, idineklarang patay na rin ang namaril.

Sa huling ulat ay aabot na sa 15 ang bilang ng mga nasawing biktima, at 24 ang nasaktan.

“The victims’ nationalities have not been publicly shared and Prague police contacts have stated that they will inform the embassy should any relevant developments involving Filipinos occur,” saad ng embahada.

Samantala, inaabisuhan ang lahat ng mga Filipino sa nasabing bansa na iwasan munang pumunta sa matataong lugar. RNT/JGC

Previous articlePH poverty rate bumaba sa 22.4% – PSA
Next articlePolice mobile binangga ng Chinese national na suspek sa kidnapping, arestado!